Sunday, March 1, 2009

Epekto ng Pamimirata sa Industriyang Pampelikula sa Pilipinas.


Epekto ng Pamimirata sa Industriyang Pampelikula sa Pilipinas.





I. Big Panimula


A. Panukalang Pahayag

Ang pamimirata ay higit na ikinasisira kaysa ikinaaangat ng pamumuhay ng Pilipino.



B. Introduksyon o Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng pamimirata sa
industriyang pampelikula sa Pilipinas. Isa sa mga suliranin na hinaharap ng
gobyerno sa pamimirata ay ang pagdami ng mga taong tumatangkilik sa mga ito.
Marami ngang mga tao ang mas ginugusto pang bumili ng mga piniratang
kopya ng mga pelikula kaysa panuorin ito sa sinehan o kaya'y bumili ng
orihinal na kopya ng mga ito. Talagang mapapansin natin ang malaking
pagkakaiba nito sa presyo. Higit silang makakamura sa mga piniratang mga
pelikula ngunit masasabi bang ito'y makatarungan sa mga nasa industriyang
pampelikula sa Pilipinas? Unti-unti nang nawawala ang tiwala ng mga
namumuhunan sa pelikula dahil sa pagbaba ng kita ng mga nasa industriyang
ito. Sa isang piniratang kopya ng pelikula na nabibili, isang tao ang
nawawalan ng trabaho. Ang kita ng mga nagtitinda ng mga ito ay dapat
napupunta sa mga gumagawa ng mga pelikula. Sa paglaganap ng pamimirata,
patuloy na ninanakawan ang mga nasa industriyang pampelikula nang
harap-harapan.
Ang pamimirata ay sadyang talamak sa panahong ito, lalo na dahil sa
problemang pampinansyal na kinkaharap ng buong mundo. Isa man itong krimen, marami pa rin ang pumapasok sa ganitong
negosyo sapagkat marami silang kinikita dahil sa dami ng taong
tumatangkilik dito. Matanda, bata, mayaman, mahirap, kahit sino ay nahihilig sa
pamimili ng piniratang pelikula.
Sa talamak na pamimirata, hindi gaanong napapansin ang mga epekto nito
sa ibang tao. Nais ng pananaliksik na ito na maging sensitibo ang mga tao sa mga
nasa industriyang pampelikula sa Pilipinas. Hindi lamang ang mga
malalaking tao sa industriya ang nakikinabang sa kita na nakukuha sa mga
pelikula, pati na rin ang mga maliliit na tao na tumulong sa pagbuo ng mga
ito.


C. Rebyu o Pagaaral


P80-M worth ng pirated discs nasabat ng OMB sa Quiapo!
Author: People's TonightColumn: IF

NAKAUSAP namin si Optical Media Board (OMB) chairman Edu Manzano kahapon at masaya nitong ibinalita na tagumpay ang latest raid na isinagawa ng kanyang tanggapan sa Elizondo Street sa Quiapo, Manila nu'ng Huwebes ng umaga.Ayon kay chairman Manzano, nakasabat ang kanilang grupo ng mahigit isang milyong piraso (take note, one million pieces!) ng pirated discs, na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P80 million mula sa Old Barter Trade building.Napag-alaman din namin na, so far, ito na ang pinakamalaking haul na naganap sa history ng OMB mula nang ito'y ma-create in place of the Videogram Regulatory Board (VRB) at siya'y mahirang bilang pinuno ng ahensyang naglalayong lumaban sa lahat ng uri ng pamimirata sa bansa.And unlike sa previous operations nila, wala umanong resistance silang kinaharap this time, mula sa mga kapatid na Muslim na nakatira sa nasabing area.Noon kasi, ang raids ng OMB, o maging ng VRB na rin before that, are met with violent reactions mula sa vendors, etc."That's what I'd want to stress. This time, there was no untoward incident that took place."Nu'ng nandoon kami, sinalubong kami nang maayos ng mga kapatid nating Muslim, nagpapalakpakan pa nga sila," kuwento ni chairman. "Walang sigawan, walang resistance, whatsoever. Very peaceful naming na-conduct 'yung raid at we're happy it yielded positive results."Nangako rin si chairman Manzano ng no let-up sa kanyang anti-piracy drive.Malawakan pa rin ang kampanyang ipatutupad niya ukol dito at seryoso rin ang kanyang liderato sa pagnanais na maibaba sa drastikong lebel, kundi man tuluyang mapuksa, ang ilegal na kalakalang ito sa bansa.

http://telebisyon.net/balita/P80M-worth-ng-pirated-discs-nasabat-ng-OMB-sa-Quiapo/artikulo/102/





Optical Media Board

PORMAL na ipina­kilala kahapon ni Optical Media Board Chair Edu Manzano sa entertainment press si Mr. Yassin Ibrahim.
Si Yassin ang kapatid nating Muslim at direktor ng Legitimate Retailers Association of the Philip­pines Inc. (LRAPI) na may head office sa F. Hidalgo Street, Quiapo, Manila.
Ang LRAPI ang nakikipagtulungan sa OMB para masugpo ang film piracy, hindi lamang sa Quiapo area kundi pati na rin sa buong kapuluan.
Malaking tulong sa OMB ang LRAPI dahil unti-unti na raw nasusugpo ang film piracy problem.
Sa presscon kahapon, ikinuwento ni Yassin na hindi na pagbebenta ng mga pirated DVD at CD ang negosyo sa Quiapo. Kung magagawi raw tayo sa nabanggit na lugar, maki­kita natin na mga alahas, cellphone accessories at RTW clothes ang ipinag­bibili sa lugar na da­ting mecca ng mga illegal DVD, VCD at CD.
Nagbago na ng negos­yo ang mga negosyante sa Quiapo area dahil ang magkaroon ng hanapbuhay na tahimik ang kanilang gusto.
Malaki ang pasasa­lamat ni Edu sa ating Muslim brothers dahil sa kontribusyon nila para unti-unting malutas ang mala­king problema sa film piracy.
http://www.abante.com.ph/issue/jan0609/ent_jg.htm




February 7, 2004
Umapila sa Malakanyang senatorial candidate Boots Anson-Roa ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na agad lagdaan ang Optical Media Bill at mapangalagaan ang nanganganib na industriya ng pelikula at musika. Naniniwala ang premyadong aktres na makatutulong ang nabangggit na panukala upang mapigilan ang tuluy-tuloy na pagbagsak ng industriya at ang pagbulusok ng ekonomiya ng Pilipinas. Reaksyon ito ni Anson-Roa sa napaulat na pahayag ng Estados Unidos na ang walang habas na paglabag ng Pilipinas sa intellectual property rights, at hindi si Fernando Poe Jr., ang dahilan ng kawalan ng tiwala ng mga negosyanteng banyaga na mag-invest sa bayan. Isang dating press and cultural attaché ng Pilipinas sa Amerika, idiniin ni Anson-Roa na malaki ang pag-asa ng pamahalaang Arroyo na maibalik ang kumpiyansa ng mga negosyanteng banyaga sa ating bansa kung agarang mapipirmahan ng Pangulo ang proposed Optical Media Act. Nakiusap rin ang premyadong aktres na tigilan na muna ang paghahanap ng sisi sa pulitika at sa halip ay pag-aralang mabuti ng pamahalaan kung paano pa maipamamayagpag ang sumasamang imahe ng bansa sa international community. "Ipakita natin na tayo ay seryoso sa pagbigay proteksyon sa gawa at investments ng ibang bansang nangangalakal sa Pilipinas. Natitiyak kong mababaon lang tayo sa kawalan ng pag-asa kung ipakikita natin sa mga dayuhan na wala tayong alam gawin kung hindi maghanap ng escape goat sa halip na bigyang solusyon ang problema," paliwanag Anson-Roa, kandidato sa pagka-senadora ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino na pinangungunahan ni Poe. Nabatid na $ 116 milyon ang nalulugi sa mga dayuhang negosyante sa bansa dahil sa naturang pamimirata kung saan nasa ika-pitong puwesto ang Pilipinas sa buong mundo na talamak sa pagpupuslit at pamimirata. Noong nakaraang lingo ay ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Optical Media Bill na nagpapataw ng hanggang P 3 milyong multa at siyam na taong pagkabilanggo sa sinumang sangkot sa film and music piracy Binanggit pa ni Anson-Roa ang nakasaad sa nabanggit na panukala ang pagbabawal sa iligal na paggawa, pagko-kopya, at pagbenta ng anumang VCD AT DVD. Bubuwagin naman ang Videogram Regulatory Board at papalitan ito ng Optical Media Board na siyang mangangasiwa at magpapatupad ng bagong batas na magbibigay proteksyon sa film and music industry. Sa pamamagitan ng Optical Media Board ay magkakaroon ng sapat na ngipin ang VRB upang masawata ang malawakang pamimirata ng VCD at DVD sa bansa.


http://bootsansonroa.com/press-release/press05.htm

D. Layunin

a. Pangkalahatan
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang ‘Epekto ng Pamimirata sa Industriyang Pampelikula sa Pilipinas’ ay naglalayong makapangalap at makapanuri ng datos na makapagbibigay ng kaalaman sa mambabasa ukol sa pamimirata ng mga pelikula sa Pilipinas. Isa rin sa mga layunin ng pag aaral na ito ay makapagdagdag ng impormasyon sa mga naunang pananaliksik na kaugnay ng paksang ito. Maaari ring makatulong ang pananaliksik na ito sa mga susunod na pag-aaral na isasagawa ukol sa pamimirata.



b. Tiyak
Para maging spesipiko, ang mga sumusunod na tao ang makikinabang sa pag-aaral na ito:

Mambabasa. Layunin ng pananaliksik na ito na mamulat ang mga mambabasa sa mga nangyayari at mga posibleng epekto ng pamimirata at pagtangkilik sa mga piniratang pelikula sa Pilipinas.
Nagtatangkilik ng mga piniratang pelikula. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mamulat ang mga taong nagtatangkilik sa mga piniratang pelikula sa mga epektong maidudulot ng kanilang patuloy na pagbili ng mga ganito.Nagtitinda. Nilalayon din nito na ipaalam sa mga nagtitinda ng piratang DVD ang kanilang epekto sa ekonomiya ng bansa.
Prodyuser. Huli, layunin din ng pananaliksik na ito na imulat ang mga prodyuser ng piniratang pelikula ang epekto nila sa ekonmiya ng bansa at trabaho ng ibang tao.


E. Halaga

Ang pananaliksik na ito ay nais ihatid sa mga tao ang mga epekto ng
pamimirata. Ipinapapakita rin sa pananaliksik na ito kung paanong sa
pagtangkilik sa mga piniratang kopya ng mga pelikula may isang tao ang
natatanggalan ng karapatan sa kanyang pag-aari. Ang mga mananaliksik ay
naglalayong imulat ang mga mambabasa ng pag-aaral na ito. Ipinapakita
nito na kahit maraming tao ang kumikita sa pagbenta ng mga piniratng
pelikula, may mga tao pa ding nababawasan ang kinikita sa paggawa ng legal.

F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas



Ang industriya ng pelikula sa Pilipinas ay lubhang naaapektuhan ng pamimirata. Laganap na ang pamimirata ng pelikula sa buong bansa at maraming tao ang tumatangkilik dito. Dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga tao dito, nalulugi ang mga direktor, artista, talent manager, crew, staff at prodyuser ng pelikula sapagkat imbes na malaki ang kikitain nila mula sa pelikulang ginawa, nababawasan ng malaking porsyento ang mga nanonood sa sine sa kadahilanang mas pinipili nila na bumili na lang ng murang piniratang CD o DVD. Dahil dito, ang mga produsyer ay nawawalan na rin ng ganang mamuhunan upang lumikha ng mga pelikula. Sa ganitong kadahilanan, mapupuna natin ang pagbaba ng kalidad ng mga pelikulang Pilipino ngayon kumpara noon. Kapag nagpatuloy pa ang ganitong sitwasyon, baka balang araw hindi na maipakita ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng sining at pag-arte. Sa kabilang dako, may mga taong nakikinabang sa pamimirata. Ang mga prodyuser ng mga piniratang pelikula at ang nagtitinda nito. Sila ang mga taong gumagawa ng pekeng kopya at ibinebenta sa murang halaga ang pelikula. Ito ang kanilang hanapbuhay at dito sila kumukuha ng panustos sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.


G. Metodolohiya

Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pakikipanayam sa iba’t ibang taong sangkot ukol sa paksang pamimirata sa Pilipinas tulad ng nagtitinda at mga bumibili ng pirating pelikula. Kumuha rin ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa mga naunang pag-aaral kaugnay ng paksang ito. Nakahanap din sila ng karagdagang detalye sa tulong ng internet at mga babasahin tulad ng dyaryo.


H. Saklaw at Delimitasyon

Ang pag- aaral na ito ay pinamagatang ‘Epekto ng Pamimirata sa Industriyang Pampelikula sa Pilipinas’ na isinagawa mula Nobyembre 19, 2008 hanggang Marso 2, 2009. Ang tumugon sa pag- aaral na ito ay ang nagtitinda ng mga piniratang CD. Ang pag-aaral na nasabi ay sa bansang Pilipinas lamang. Ang mga mananaliksik ay walang pagkakataon upang kunin ang pananaw ng mga taong kabilang sa mundo ng sining gaya ng mga produsyer, production crew, direktor at mga artista.


I. Daloy ng Pagaaral

Kabanata1: Nilalaman
Pagtuklas ng tunay na suliranin na dapat solusyunan. Pagbibigay ng saklaw at limitasyon na dapat pagaralan at suriin. Manaliksik ng mga nakaraan na pagaaral tungkol sa paksa. Alamin kung paano ba talaga naaapektuhan ng pamimirata ang industriyang pampelikula ng Pilipinas.


Kabanata2: Presentasyon ng Datos
Matapos mapagdesisyunan ang magiging paksa, nangalap mga opinion at datos tungkol sa nasabing paksa. Paglahad ng iba’t ibang panig, at kikilatisin ang tunay na epekto ng pamimirata.



Kabanata3: Resulta ng Pananaliksik at Konklusyon
Ang paglalagom at pagsusuri ng mga datos na nakalap. Pagbigay ng rekomandasyon at konklusyon sa lumabas ng resulta ng pananaliksik.




II. Big Katawan

A. Small Panimula

Ang pamimirata ay ang illegal na pagkopya ng anumang klase ng media na walang pahintulot mula sa awtor o prodyuser ng nasabing album o pelikula. Laganap na ito sa ating bansa. Marami tayong makikita nito sa Quiapo. Kahit anung gawin ng ating gobyerno dito ay hirap pa din silang alisin ito, dahil na din sa mga parokyano na sa kabila ng lahat ng isyu tungkol sa pamimirata ay patuloy pa ding bumubili at tumatangkilik sa mga piniratang CD at DVD. Kung tutuusin marami nang ginawa na organisasyon ang gobyerno laban sa pamimirata. Kabilang na dito ay ang OBM o ang Optical Media Board na walang tigil na sumusugpo sa mga illegal na bentahang ito. Sa patuloy na paglaganap ng pamimirata, parami na din ng parami ang mga prodyuser na nalulugi, nahihirapan na silang mabawi ang ipinondo sa mga pelikula na ginawa. Kumokonti na din kasi ang mga tao na nanunuod sa mga sinehan. Sa kabilang banda, habang unti-unti nang namamatay ang industriyang pampelikula dito sa Pilipinas, marami rin naman ang kumikita at nabubuhay sa pamimirata ng mga CD at DVD, kahit na alam nila ito ay masama at isang malaking krimen.


B. Small Katawan

Matapos maisagawa ang pangangalap ng datos ukol sa pamimirata ng mga pelikula sa Pilipinas ay narito ang presentasyon ng datos:

Alam naman ng marami na bawal ang pagbebenta ng mga peke na dvd,vcd o cd man dito sa ating bansa, pero bakit tila baga madami ang lumalabag dito. Ang mga manaliksik ay naginterbyu ng iba’t ibang klase ng mga tao. Sila ang mga taong tumatangkilik at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto. Iba’t ibang paliwanag at iba’t ibang dahilan ang kanilang narinig. Maraming katanungan ang nasa kanilang kaisipan bago pa kami maginterbyu ng mga tao pero tila pagkatapos ng interbyu ay naliwanagan sila.

Maraming mga produkto galing China ang patago na naipupuslit papasok dito sa ating bansa isang malaking halimbawa na nga ay ang mga dvd. Si Mr.X na itatago nalang naming ang pangalan ay bumibili rin ng mga pekeng dvd. Siya ay nakausap ng mga mananaliksik at ito ang sinabi niya; “ Bakit ka pa ba bibili ng mga original na dvd o manonood sa sine na napakamahal sa hirap ba naman ng buhay ngayon!Heto mura na pwede mo pa ulit-ulitin di gaya sa sinehan isang beses lng”. Makikita mo na sa pananaw ng mamimili ang pagbili ng mga peke ng dvd ay isang paraan na ng pagiging praktikal sa buhay. Tinignan naman ng mga mananliksik ang sasabihin ng isang tindero. Ayon sa kanilang isang nakapanayan na tindero “ dala na ng hirap ng buhay kaya sumasideline na lang ako ng pagbebenta ng mga dvd para may pantustos ako kahit papaano sa pamilya ko”. Ipinapakita ng kanyang mga salita na bilang isang mahirap na mamamayan nagagawa niya magbenta ng mga peke na dvd ay dahil gusto niya na maka “survive”. Iyang ang mga ilang pahayag na nakalap ng mga mananliksik.

Mura ang mga pekeng dvd para sa marami. Sinasabi nila na “ kapag nagtinda ka o bumili ka ng peke na dvd ay malaki na ang matitipid mo para sa sarili mo”, marahil tama nga ang sabi ng ibang tao na mura nga ang mga peke na dvd kaya marami ang mga tumatangkilik dito. Dito sa Pilipinas maging mahirap ka man o mayaman ay meron pa rin bumibili ng mga peke na dvd. Kung marami nga naman ang bibili ng orihinal na dvd o manonood na lamang sa sinehan ay sadyang napakamahal na ng magagastos mo. Bagamat bawal ang pagtitinda nito marami pa rin ang bumibili ng mga peke na dvd dahil sa isang napaka simpleng rason, “ ito ay dahil sa sobrang kahirapan ng buhay” madaming tao ang gagawa ng paraan para makalagpas sa mga kahirapang dinaranas nila dahil kung sa dvd tiyak na kikita ang mga tao.



III. Big Pangwakas

A. Small Pangwakas

Matapos makalikom, masuri, maanalisa at maipresenta ang mga datos, lumalabas na maraming epekto ang pamimirata ng mga pelikula sa Pilipinas, positibo man o negatibo. Mas lamang ang negatibong epekto nito sa ekonomiya, sa pangalan ng ating bansa, at maging ang ilan sa mga trabaho ng mga tao dito ay apektado rin. Una sa lahat, humihina ang kita ng industriya ng pelikula sa ating bansa dahil sa talamak na pamimirata. Naaapektuhan ang mga prodyuser dahil nawawalan na sila ng gana na lumikha ng mga pelikula sa kadahilanang nalulugi naman ito. Gayunpaman, mas nakikita ng karaniwang mamamayan ang positibong epekto nito. Kadalasan, pinipili ng mga tao na bumili na lang ng pekeng DVD dahil ayon sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik, mas nakakamura daw ang mga tumatangkilik. Ayon sa kanila, kung manonood ang isang indibidwal ng pelikula sa sine ay nasa isang daan at dalawampung piso (P 120) pataas ang presyo, isang tao sa isang pelikula. Samantalang kung bibili sila ng piniratang pelikula, mabibili nila ang DVD ng dalawampung piso (P 20) pataas. Kung minsan ay may nagtitinda rin na kasingbaba ng sampung piso (P 10). Dagdag pa ng mga bumibili ng piratang pelikula na kapag pekeng DVD ang binili mo, maaari mo itong ipahiram at ulitin kalian mo man naisin. Naging hanapbuhay na rin ito ng maraming Pilipino. Ang mga nagtitinda at nagpprodyus ng mga piratang DVD ay kumukuha ng kanilang pang gastos sa araw araw mula sa kanilang kinikita sa mga piniratang pelikulang ito. Sa kabilang dako, makikita natin ang pag bagsak ng kita ng mga nagtatrabaho ng legal. Ang mga gumagawa ng pelikula, direktor, artista, at iba pa, ay naaapektuhan sa patuloy na pagdami ng piratang DVD. Nakaaapekto ito sa ekonomiya pati na rin ng pangalan ng ating bansa. Kung malalaman ng mga dayuhan na ganito ang nangyayari sa Pilipinas, hindi sila gaganahan na mamuhunan dito. Iisipin nila na malulugi sila, kaya imbis na dumami ang mga dayuhang mamumuhunan sa ating bansa, kabaligtaran ang nangyayari.


B. Kongklusyon

Natuklasan ng mga mananaliksik na malaki ang naitutulong ng mga piniratang CD sa mga taong nagbebenta nito sa kanilang pamumuhay. Kumikita ang mga nagbebenta ng mga piniratang CD ng mahigit sa isang libo kada araw. Kung ikukumpara sa ibang klase ng trabaho, malaki at sapat ang kinikita sa ganitong klase ng negosyo. May naidudulot rin palang maganda ang ganitong klase ng transaksyon ngunit sa kabilang banda mas marami ang negatibong epekto nito sa ating bansa. Dahil nga sa malaki ang kinikita sa ganitong negosyo, dumarami ang gumagawa ng ganitong illegal na pamamaraan. Lubhang dumarami ang krimen sa bansang Pilipinas. Hindi iniisip ng mga nagbebenta ng mga piniratang pelikula na kapag nagpatuloy ito ay maaring bumagsak ng tuluyan ang industriya. Kapag nangyari ito, marami ang maaapektuhan partikular na ang nagtatrabahong kaugnay sa industriya ng pelikula. Madaragdagan na naman ang dumadaming bilang ng mga taong walang trabaho. Ang talamak na pamimirata rin ang dahilan kung bakit maraming bansa ang walang tiwala sa Pilipinas. Dahil sa mga pandarayang ito, natatakot na ang ibang bansa na mamuhunan ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas. Makikita natin na base sa mga datos na natuklasan at nalaman mas maraming negatibong epekto ang pamimirata. Kaya nama’y ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang pamimirata ay mas nakakasira sa pamumuhay ng mga Pilipino.

C. Rekomandasyon

Mahirap talagang puksain ang pamimirata. Kailangang tutukan ito ng
maigi upang ito'y mabawasan kahit papaano. Kailangang umaksyon ang
gobyerno, pati na rin ang bawat tao sa paglutas ng suliranin na ito.
Paigtingin pa dapat ang 'anti-piracy campaigns', ipaalam sa mga tao ang nagiging
epekto nito sa buhay ng mga nasa industriyang pampelikula. Hangga't
maari ay ibaba ang mga presyo ng mga orihinal na kopya ng pelikula o
presyo ng tiket sa sinehan. Mahirap man ito gawin ngunit magagawa natin ito
kung tayong lahat ay magtutulungan. Dapat magkaisa ang bawat Pilipino
sa pagpuksa ng pamimirata.




Mga Mananaliksik:

Patrick Andrei Duma

Roseanne Carmelli Santos

Lianne Camille Sy

Vianca Teves

Maiko Viar

1Amid

No comments:

Post a Comment